No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga Kasambahay sa Dupax del Norte, tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaan

Tumanggap ng tulong pinansiyal ang mga 254 na Kasambahay sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya. Handog ito sa selebrasyon ng Kasambahay Day na laman ng Kasambahay Ordinance ng Local Government Unit. PIA Image

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) — Bilang pagkilala sa batas para sa mga Kasambahay o domestic workers, nagsagawa ng isang Kasambahay Day ang Local Government Unit ng Dupax del Norte kabilang ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga miyembro ng nasabing sector.

Nasa 254 na kasambahay sa  bayan ang nabigyan ng tog-isang libong piso mula sa LGU dahil na rin sa inaprubahang  local kasambahay ordinance ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Mayor Timothy Cayton at Vice Mayor Victorino Prado, kasama ang mga Sangguniang Bayan members ang pagbibigay ng ayuda sa mga Kasambahay na ginanap sa municipal gymnasium.

Ayon kay Councilor Atty. Paulo Cayton na may akda ng local Kasambahay Ordinance, layunin nitong mai-angat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Kasambahay sa bayan bilang isang haligi ng mapayapang lipunan.

Nagbigay ng P1,000.00 na tulong ang LGU Dupax del Norte, Nueva Vizcaya sa bawat isa sa 254 na Kasambahay ng bayan. Ang tulong ay hatid ng LGU batay sa Kasambahay Ordinance ng LGU. PIA Image

Dagdag pa nito na ang mga kasambahay ang nangangalaga sa mga miyembro at tahanan ng mga  pamilya kung kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ng kaukulang benepisyo at pagkilala sa kanilang mga karapatan.

Ayon pa kay Cayton, magtatalaga din sila ng Kasambahay Desk sa munisipyo upang tumanggap ng hinaing ng mga Kasambahay kabilang ang kaukulang aksiyon hinggil dito.

Dagdag pa nito na kasama din sa  Kasambahay Ordinance   ang malawakang kampanya upang maipaalam sa mga domestic workers sa bayan ang kanilang mga benepisyo at Karapatan upang mapangalagaan ang kanilang sektor. (BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch