No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Consumer Bazaar sa Makati, gaganapin sa Peb. 22, 23

LUNGSOD MAKATI, (PIA) -- Magandang balita! Nais mo ba ng mga murang bilihin?

Magpunta sa gaganaping consumer bazaar ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ngayong Pebrero.

Sa pangunguna ng Economic Enterprise Management Office (EEMO), ang consumer bazaar ay gaganapin sa Pebrero 22-23, 2024, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Makati City Hall Quadrangle.

Layunin ng programa na makapagbigay ng mga dekalidad at abot-kayang mga produkto para sa publiko.

Para sa mga nais pumunta, paalala ng pamahalaang lungsod na magdala ng sariling eco-friendly bags. (Makati City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch