No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pangolin Day: proteksyon at pag-iingat sa Balintong ng Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 780 series of 2020 ay muling isasagawa sa bayan ng Roxas ang pag-obserba ng municipal Pangolin Day na may temang ‘Ipadayon ang Pagamblig Ig Pagprotekta sa Ateng Batintong para sa Dadi Ig sa Madason pang mga Inirasyon’ [‘Ipagpatuloy ang pag-ingat at pagprotekta sa ating Balintong para sa ngayon at sa susunod pang mga henerasyon’].

Ang nailigtas na Balintong noong April 2020 at nai-turn over sa PCSD para sa tamang pangangalaga nito. (Larawan mula sa PCSDS Facebook page)

Nakapaloob sa nasabing municipal ordinance na tuwing ikatatlong Sabado ng buwan ng Pebrero taon-taon isasagawa ang pag-obserba nito.

Ito ay pangungunahan ng lokal na pamahalaang bayan sa pakikipagtulungan ng mga opisina ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Municipal Environmentally-Critical Areas Network (ECAN) Board, Katala Foundation Inc. (KFI) at ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Ang municipal ordinance no. 780 din ang nagdeklara ng Philippine Pangolin o Palawan Pangolin (Manis culionensis) na mas kilala sa tawag na Balintong’ sa Palawan bilang flagship specie ng bayan na nagsisilbing sagisag ng konserbasyon at magtitiyak ng proteksyon ng mga bihira at endangered species at tirahan nito.

Ang Palawan Pangolin ay isang ‘critically endangered species’ ayon sa Resolution No. 15-521 ng PCSDS at itinuturing na 'most traffic' na hayop o ang pinakapalagiang iligal na ipinupuslit sa ibang bansa dahil sa pinaniniwalaan umano itong nakapagpapagaling ng iba’t ibang sakit.

Kasalukuyan itong nakalista sa Appendix I ng Convention on International Trade in Endangered Species (CITES) ng Wild Flora and Fauna sa ilalim ng “zero export quota” na ang ibig sabihin ay ipinagbabawal na sa kalakalan ito.

Ang Pangolin ay makikita lamang sa lalawigan ng Palawan. Endemic sila sa mababang bahagi ng gubat sa anim na mga isla ng Palawan, batay sa impormasyong ibinahagi ng PCSDS. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

Banner photo credit to PCSDS

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch