No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng certified true copy ng civil documents, handog ng Makati City

LUNGSOD MAKATI, (PIA) -- Magandang balita! Bilang paggunita sa Civil Registration Month ngayong Pebrero, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Makati, magbibigay ang City Civil Registration Office ng libreng certified true copies ng mga civil documents.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga sumusunod na dokumento ay libre, simula Pebrero 19 hanggang Pebrero 21, 2024:

  • Birth Certificate
  • Marriage Certificate
  • Death Certificate
  • Certificate of No Record

Paalala ng pamahalaang lungsod na magdala ng ID o authorization letter/Special Power of Attorney (SPA) kung representative ng may-ari ng dokumento.

Isang kopya lamang ibibigay. Kung nais kumuha ng karagdagang kopya, kailangang magbayad ng regular fees.

Magtungo sa CCRO, 3rd floor, Makati City Hall Bldg 1. Para sa katanungan, tumawag lamang sa 8870-1305. (Makati City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch