No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lungsod Marikina, tumanggap ng Gawad Kalasag Seal of Excellence

LUNGSOD MARIKINA, (PIA) -- Iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang Gawad Kalasag Seal of Excellence kamakailan.

Personal na tinanggap ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Representative Maan Teodoro ang naturang parangal mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pamamagitan ng Office of Civil Defense National Capital Region (OCD-NCR).

Ang pagkilala ay ibinibigay ng NDRRMC bilang pagbibigay-pugay at parangal sa mga sangay ng pamahalaan at bahagi lipunan na tumutugon sa larangan ng disaster risk reduction and management at humanitarian assistance.

Sa kabila ng pagkilalang ito, hindi tumitigil ang pamahalaang lungsod sa pagsisikap na maitaas pa ang antas ng paglilingkod lalo na sa larangan ng pagtugon sa sakuna at kalamidad. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch