No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasig Mega Job Fair, gaganapin sa Peb. 28

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Mega Job Fair at One-Stop Shop sa darating na Miyerkules, Pebrero 28, 2024 na gaganapin sa Pasig City Hall Quadrangle, simula 9:00AM hanggang 3:00PM.

Halos 60 local at overseas companies ang magbubukas ng pagkakataon para sa mga Pasigueño na naghahanap ng trabaho.

Kung ikaw naman ay first-time jobseeker at nais mag-avail ng libreng pagkuha ng police clearance o kaya naman pagpaparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS, dalhin lamang ang mga sumusunod: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); at valid ID.

Samantala, maaari na ring mag pre-register sa link na ito: https://forms.gle/U3HE11xss44PMiw69. Pwede na ring sagutan at i-print ang National Skills Registration Program (NSRP) Jobseeker Registration Form (bit.ly/NSRPJobseekerRegistrationForm).

Ang mga nasabing online pre-registration at NSRP Form ay makakatulong sa Labor Market Information na ginagawa ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO) at ipinapasa sa Department of Labor and Employment.

Paalala ng pamahalaang lungsod sa mga aplikante na magdala ng maraming kopya ng kanilang resumé at sariling ballpen. (Pasig City/PIA-NCR)  

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch