No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CHED, namahagi ng P3-M assistance sa 121 estudyante sa Romblon

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Namahagi ng educational cash assistance ang Commission on Higher Education (CHED) sa 121 estudyante ng Romblon State University kamakailan.


Sa ilalim ng Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) program, layunin na mabigyan ang mga mag-aaral ng undergraduate program sa pamantasan ng one-time fixed grant upang makatulong sa mga pangangailangan sa pag-aaral ng mga ito.


Bawat isang estudyante ay tumanggap ng P25,000 na may kabuuang halaga na P3,025,000.


Pinangunahan ni Romblon State University President Dr. Merian Catajay-Mani ang pamamahagi ng ayuda kasama sina Congressman Eleandro Jesus Madrona, at sina Merigen Sarreal Cafino at Abegail Limjuco ng CHED, na ginanap sa RSU Audio-visual Room sa Odiongan, Romblon.


Nagpasalamat naman ang pamantasan kay Cong. Madrona at CHED chair Popoy De Vera para sa tulong na naibigay sa mga estudyante ng unibersidad. (PJF/PIA MIMAROPA - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch