No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Camarines Norte nagsanay ng 48 may kapansanang miyembro ng kooperatiba

DAET, Camarines Norte (PIA) Pebrero 26 – PInangunahan ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO) ng Daet, Camarines Norte ang pagsasanay ng 48 bagong miyembro ng kooperatiba sa lala na may mga kapansanan sa lalawigan.   

Ito ay sa pamamagitan ng Pre-Membership Education Seminar na suportado ng pamahalaang panlalawigan ganon din ang iba pang mga programa para sa kapakanan ng mga Persons with Disabilities (PWDs).

Ayon kay PDAO Head Dr. Rex A. Bernardo, unang itinatag ang kooperatiba bilang isang credit cooperative noong Oktubre 8, 2021. Ito ang  kauna-unahan sa lalawigan at sa rehiyong Bikol at naging ganap na multi-purpose cooperative noong Disyembre 2023.

Ang mga miyembro ay una ng nagkaroon ng mga negosyo mula sa pautang ng kooperatiba katulad ng pagtatahi, bigasan, pagkokopra, pagbebenta ng isda. Ganundin ang mga pamilya ng mga may kapansanan ay nagtatanim at nagtitinda.

Ang isinagawang Pre-Membership Education Seminar ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO) ng pamahaaang panlalawigan para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) na nais maging miyembro ng Camarines Norte PWD Multi-Purpose Cooperative. (PIA5/Camarines Norte)

Ayon kay Bernardo, sinusuportahan ng  multi-purpose cooperative  ang mga kalakasan at kagalingan ng mga PWDs sa kanilang negosyo tulad ng pagtatahi ng tote bags ganon din ang planong catering at on-line selling.

Aniya, layon ng seminar na mabigyan ng kaalaman ang mga PWDs kung paano makakatulong sa kanila ang kooperatiba at mas maintindihan na dapat maging masinop sila sa pagbabayad kung sila ay may utang upang hindi maapektuhan ang ibang miyembro.

“Kinakailangan rin ang commitment ng bawat miyembro upang sabay-sabay ang kanilang pag-angat sa buhay,” ayon kay Bernardo.

Ayon kay General Manager Ferda S. Abando ng Camarines Norte PWD Multi-Purpose Cooperative, itinatag ang kooperatiba para makatulong sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagpapahiram o pagpapautang ng pera bilang pandagdag na puhunan para sa kanilang sisimulan na negosyo.

“Isa rin ako sa naka avail ng loan sa kooperatiba para sa aking pagtatanim at pagtitinda ng prutas at gulay na aking ikinabubuhay”, ayon kay Abando na isang may physical disability.

Ang kooperatiba ay may total equity ng mahigit P200,000. Umabot  na sa 104 ang miyembro nito kasama ang mga bagong kasapi.

Sinabi naman ni Rey Antonio Bustamante,  isang may kapansanan sa paa  ng Barangay Del Rosario, Talisay na malaki ang maitutulong sa kanya ng kooperatiba dahil hindi na siya mahihirapan, lalo pa nga at nag iisa lamang sa buhay at walang malalapitan sa panahon ng kagipitan.

Ayon kay Senior Cooperative Development Specialist Manuel C. Odi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), tinutulungan ng Philippine Cooperative Code of 2008 ng Republic Act 9520 ang mga indibidwal na gustong maging miyembro ng isang rehistradong kooperatiba. Kinakailangan lang anya na  dumaan muna sa Pre-Membership Education Seminar ang mga ito. 

Ang kooperatiba ay naghihikayat rin para sa mga pamilya ng PWDs, kaibigan o kakilala at kahit walang kapansanan na maaaring maging miyembro ng naturang kooperatiba. (PIA5/Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch