No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Trabaho, negosyo, at kabuhayan para kay Juana ng Pasay

LUNGSOD PASAY, (PIA) -- Magandang balita! Sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang iba’t ibang mga programa na makapagbibigay ng trabaho, negosyo, at kabuhayan para sa mga kababaihan ng lungsod.

Isa sa mga programa ay ang Trabaho Para Kay Juana: Free Skills Training na gaganapin sa Marso 8, 2024 (Biyernes) mula 8:00 N.U. hanggang 3:00 N.H. sa Astrodome, Pasay City.

Sa mga nais makilahok, maaari pong magtungo sa Tanggapan ng Alkalde sa Marso 4, 2024 (Lunes) mula 9:00 N.U. hanggang 4:00 N.H. para sa pre-registration. Magdala ng barangay certificate at valid ID.

Gayundin, handog ng pamahalaang lungsod ang libreng service record at certificate of employment, libreng sakay mula March 1 hanggang 31, 2024, at iba pang mga ganap at sorpresa para sa mga kababaihan ng Pasay.

Para sa detalye at iba pang updates, bisitahin ang Facebook page https://www.facebook.com/lgupasaypio. (Pasay City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch