No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

50 kasundaluhan, nagdonate ng dugo sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte (PIA)-- Isa si PFC Janine F. Balares sa 50 sundalo sa Camarines Norte na nagdonate ng dugo sa isinagawang Blood Letting Activity ng 902nd Infantry Brigade (IBde) sa Camp Busig-on, Tulay na Lupa, Labo.

Ito ang pinaka unang blood-letting activity kung saen nagbahagi ng kanyang dugo si Balares. Anya, nais nyang makatulong sa mga nangangailangan, higit na ang mga bata at matatanda na may mga malubhang sakit.

Anim na beses ng nakapagbahagi ng dugo si CPL Joshua V. Oliquino kung saan sinabi niya na mahalaga ang pagdonate ng dugo dahil maraminf buhay ang nadudugtungan nito.

Ang isinagawang Blood Letting Activity ng 902nd Infantry Brigade (IBde) katuwang ang Bicol Medical Center na ginana sa Camp Busig-on, Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte. (PIA5/ Camarines Norte)

Aabot naman sa 50 bags ng dugo ang nalikom mula sa mga sundalo.

Sa panayam kay BGen. William P. Peñafiel Jr., commander ng 902nd IBde, 70 porsiyento ng dugo ay mapupunta sa mga nangangailangan partikular na sa mga sibilyan at ang 30 bahagi naman ay nakalaan para sa kasundaluhan.

Una ng isinagawa ng kasundaluhan ang fun run samantalang ang interfaith activities ay gagawin sa Marso 18 at gaganapin sa 9th Infantry Division (ID).

Ang pagbabahagi ng dugo ay kaugnay sa ika-127 anibersaryo ng Philippine Army (PA) na gaganapin sa Marso 22 na may temang “Matatag na Hukbong Katihan para sa Bagong Pilipinas”.

Sa araw ng anibersaryo, Marso 22 ay magkakaroon ng static display sa SM City Daet kung saan ipapakita ng kasundaluhan ang kapabilidad o combat capability ng hukbong katihan.

Ang blood letting activity ay isang testamento ng kasundaluhan sa paglilingkod na nagpapakita ng kanilang dedikasyon para sa kapakanan ng mga komunidad na nangangailangan.

Katuwang sa naturang gawain ang Bicol Medical Center sa proseso ng pagkuha ng dugo kung saan isinagawa rin ito sa ibat-ibang pamunuan ng kasundaluhan sa bansa. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch