No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI tumatanggap na ng mga aplikante para sa Batch 1 ng KMME Online Women edition

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) – Nagsisimula ng tumanggap ang Department of Trade and Industry o DTI Bulacan ng mga aplikante upang maging mentees para sa pagsisimula ng 2024 Batch 1 ng Kapatid Mentor Me o KMME Online Women Edition.


Para sa kauna-unahang pangkababaihan edisyon ng KMME, pitong kababaihang mentees mula sa Bulacan ang makakasama ng iba pang mentees sa buong rehiyon upang mag-aral sa iba’t ibang konspeto ng pagnenegosyo na magsisimula sa unang linggo ng Abril 2024.


Ang KMME ay isang online program  na binubuo ng 10 modules na tumatalakay sa ibat-ibang aspeto ng pagnenegosyo tulad ng entrepreneurial mind setting and values formation; marketing; business model canvass; operations management; digitalization; supply and value chain management;  at accounting and finance for small business.


Kasama rin sa ituturo sa mga mentees ang human resource management, market-driven innovation I at II, at good governance and ethics. 


Ayon kay Edna Dizon, officer-in-charge assistant regional director at concurrent provincial director ng DTI Bulacan, bago maging mentee ang isang aplikante, dadaan muna ito sa pagpasa sa mga criteria at eligibility requirements ng programa.


Matapos ito ay sasailalim sa standard screening at selection process.


Para maging kwalipikadong KMME Online Mentee,  kailangang ito ay hindi bababa sa 18 taong gulang na “woman entrepreneur”; Filipino at residente ng lalawigan; owner, co-owner o partner ng isang negosyo; rehistrado sa Bulacan ang negosyo at nag-ooperate na ng may isang taon; may mga empleyado; nais dumalo sa mga itinakdang schedules ng sessions;  may contract of commitment; tatlong references para sa kanyang negosyo, at may sariling laptop o mobile device para sa mga sessions.


Para sa mga karagdagang detalye, maaaring bumisita ang mga interesadong mag-apply sa tanggapan ng DTI Bulacan provincial office na matatagpuan sa 2nd Floor HTRJP Bldg., MacArthur Highway, Sumapang Matanda, Lungsod ng Malolos o sa pinakamalapit na Negosyo Center. Maari ring mag-inquire sa DTI Bulacan FB page o mag email sa alexroydelacruz@dti.gov.ph.


Maari ring mag register online gamit ang link na https://forms.gle/kYQ7An8EeR1TE7V9A.


Ang deadline ng pagsusumite ng mga dokumento ay sa Marso 21, 2024. (MJSC/VFC-PIA 3)

KMME file photo (DTI Bulacan)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch