No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P1.6M ipinamahagi ng provincial gov't sa mga asosasyon ng mga kababaihan

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Namahagi ng P100,000 na ayuda ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa iba't ibang grupo ng mga kababaihan sa buong lalawigan o katumbas ng P1.6 million kamakailan para gamitin sa kanilang livelihood program.

Ang mga grupo ay mula sa iba't ibang bayan sa probinsya ng Romblon.

Ayon sa opisina ni Provincial Administrator Lizette Mortel, ang pondo ay mula sa Gender and Development Fund ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang pamamahagi ng ayuda kasabay ng kanyang pagbati at pasasalamat sa mga kababaihan ngayong Women's Month.

Sa isang pahayag naman, sinabi ni Sangguniang Panlalawigan member Nene Solis at Bing Solis na katuwang ng mga kababaihan ang pamahalaang panlalawigan para makamit ang nais nilang mga proyekto na popondohan ng P100,000. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch