No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Philhealth patuloy na mag-iikot sa mga barangay sa Romblon

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Dahil sa naging magandang bunga ng pag-iikot ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa mga barangay sa Romblon noong nakaraang taon, sinabi ni chief social insurance officer Leandro Flores na ipagpapatuloy nila ito hanggang ngayong taon.

Sa programang Mata Ng Bayan Online sa Romblon News Network nitong Marso 9, sinabi ni Flores na target nilang puntahan ang mga isla ng Carabao at Sibale.

Tapos na rin umano nilang mabisita ang mga bayan ng Calatrava, Ferrol, Odiongan, at San Andres, maging ang mga isla ng Corcuera at Banton.

Layunin ng kanilang 'Barangayan' o Philhealth caravan na maipaliwang ng mas mabuti sa publiko ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation.

"Noong nakaraang taon, 35,000 ang napagsilbihan natin noong nakaraang taon mula lang yan sa mga bayan ng Romblon, Odiongan, Cajidiocan, San Andres, San Agustin, San Fernando, Magdiwang, Looc at Ferrol," pahayag ni Flores.

Target nilang maikot ang lahat ng bayan para mas madagdagan pa ang kanilang mairehistro sa Philhealth.

Sinisiguro ni Flores sa publiko na libre ang magparehistro sa Philhealth. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch