No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SSS patuloy na hinahabol ang mga hindi nagbabayad ng kontribusyon

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nagsagawang muli ng Run After Contribution Evaders o RACE ang Social Security System (SSS) sa mga employers sa bayan ng Odiongan na may delinquency sa kanilang pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Mapapadalas ang aktibidad na ito ngayong taon dahil sa nakitang magandang epekto nito sa koleksyon ng ahensya.

Ayon kay Maria Ammie Candelaria, acting head ng SSS Odiongan, nakatulong ang RACE para pataasin ang net income ng ahensya.

Batay sa iniulat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet kamakailan, ang SSS ay kumita ng 62.8% sa target nilang P51.06 billion noong nakaraang taon. Dagdag pa sa nakatulong umano ang mandated contribution hike noong Enero ng nakaraang taon.

Panawagan ni Candelaria sa mga employers sa Romblon na bayaran na ang mga contribution ng kanilang mga employers para hindi mapatawan ng kaukulang multa. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch