No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

723K Mindoreños, rehistrado na sa Philippine Identification System

Isinagawa kamakailan ng PSA Oriental Mindoro ang PhilSys registration para sa mga kukuha ng PhilSys ID at balidasyon ng mga kasapi ng 4Ps ng DSWD na ginanap sa City Plaza Pavilion kamakailan. (Larawan kuha ng PSA-Oriental Mindoro)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro sa isinagawang press conference noong Lunes, Marso 12, na umabot na sa 723,220 ang bilang ng mga indibidwal na rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay officer-in-charge supervising statistical specialist Donna Marie D. Mobe na may katumbas ang nasabing bilang ng mga rehistradong Mindoreño sa 79.62 percent.

Aniya, mula Pebrero 13 hanggang Marso 9 ngayong taon ay umabot na sa 2,084 ang mga nagparehistro sa PhilSys ID na may edad limang taon pababa habang ang mga naisyuhan ng ePhilIDs ay nasa 639,554 at ang mga nakatanggap na ng PhilSys ID card ay nasa 353,291.

Ayon pa kay Mobe, maaari nang iparehistro sa tanggapan ng PSA o sa mga satellite registration ang mga bata na may edad isa hanggang apat na taon. Kailangan aniya sa pagpaparehistro ng mga batang ito ay kasama ang magulang o kahit isa man sa ama o ina na rehistrado na rin sa PhilSys. Ilan sa mga requirements na kailangang ipakita ng mga magulang ang katibayan ng kapanganakan o birth certificate.

Samantala, umabot naman sa 47,187 na mga guro at estudyante mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Oriental Mindoro ang kumpleto na sa step 2 habang 2,316 naman ang nabigyan na rin ng ePhilIDs.

Patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang PhilSys registration on wheels pati ang patuloy na pagpaparehistro sa mga PhilSys Co-location at Civil Registry Service (CRS) outlet na matatagpuan sa lungsod ng Calapan at sa ibang bayan ng lalawigan. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch