No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Inflation rate ng Oriental Mindoro, bumagal ngayong Pebrero

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Bumagal sa 2.1 porsyento ngayong buwan ng Pebrero ang inflation rate sa lalawigan ng Oriental Mindoro mula sa 2.5 porsyento noong buwan ng Enero ayon sa huling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro.

Ayon kay provincial officer-in-charge at supervising statistical specialist Donna Marie D. Mobe, ang pangunahing dahilan ng mas mababang inflation rate ay ang presyo ng pabahay, tubig, elektrisidad, gasolina at iba pang uri ng langis na nagtala ng 0.6 porsyento.

Dagdag ni Mobe, malaki ang epekto sa pagbaba ng inflation sa hanay ng pabahay, patubig at iba pa ang mas mabilis na pagbaba sa halaga ng kuryente sa antas na -14.0 porsyento.

Ang pangalawang dahilan ng mas mababang antas ng inflation ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng clothing at footwear sa antas na 5.2 porsyento. Ito ay mayroong 11.6 percent shares sa pangkalahatang pagbaba ng inflation sa buong lalawigan.

Ayon pa kay Mobe, malaki rin ang epekto sa pagbaba ng inflation rate sa Oriental Mindoro ang mabagal na pagtaas ng presyo sa restaurants and accomodation services.

“Ang pangatlong dahilan ng mababang antas ng inflation ay ang mabagal na pagtaas ng presyo sa mga kainan at accommodation services na may 9.1 porsyento at 10.1 percent shares sa pagbaba ng pangkalahatang inflation ng probinsiya, habang ang ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation ng restaurants and accommodation services ay ang mabagal na paggalaw ng presyo sa mga restaurants, cafe at mga kahalintulad nito na mayroong 9.1 porsyentong inflation,” saad ni  Mobe. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch