No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

VP Duterte, bumisita sa Women’s Day celebration ng Sta. Fe

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga kababaihang Novo Vizcayanos na tumulong sa kanilang LGUs upang maisulong ang pagbabago para sa mga mamamayan. Si Duterte ang panauhing pandangal sa Women's Day celebration ng Sta. Fe, Nueva Vizcaya kahapon bilang bahagi ng 2024 Kalanguya Festival. PIA Image

STA. FE, Nueva Vizcaya (PIA) — Sa kanyang pagbisita sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya,  hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga kababaihan sa lalawigan na tumulong sa positibong pagbabago at pag-unlad ng kanilang mga komunidad.

Si Vice President Duterte ang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Women’s Day kahapon bilang hudyat sa pagsisimula  ng tatlong araw na 26th Kalanguya Festival sa bayan ng Sta. Fe.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang pagsali sa mga programa,  proyekto at pagtulong ng mga kababaihan sa kanilang pamahalaang lokal ay mahalaga upang makatulong sa tunay na pagbabago.

Dagdag pa ni Duterte na ang pagiging aktibo sa kanilang komunidad ang hihimok sa ibang kababaihan na sumali sa kanilang hanay upang mapalakas ang kanilang sector  para sa pagsusulong ng makatotohanang pagbabago sa kanilang mga barangay.

Bumisita si Vice President Sara Duterte kahapon sa Women's Day celebration ng Sta. Fe, Nueva Vizcaya bilang panauhing pandangal kung saan hinimok nito ang mga kababaihan na tumulong sa kanilang LGUs upang maisulong ang pagbabago sa kanilang komunidad. PIA Image

Pinuri din ni Vice President Duterte ang pamunuan ng Sta. Fe at lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa pagtataguyod sa Karapatan at proteksyon ng mga kababaihan.

Ayon pa sa Bise Presidente, isang karangalan na maimbita siya bilang panauhing pandangal ng Women’s Day celebration na bahagi ng Kalanguya Festival.

Nagpasalamat din ito sa tulong at suporta ng mga Novo Vizcayanos noong nakaraang 2022 election at sa kasalukuyang paglilingkod nito bilang Bise Presidente at Secretary ng Kagawaran ng Edukasyon.

Hinimok din ni Vice President Sara Duterte ang mga Novo Vizcayanos na suportahan ang Bagong Pilipinas na adbokasya ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ayon sa Bise Presidente,  napakalaki ang utang na loob ng pamilyang Duterte sa mga Novo Vizcayanos at sa buong bansa kung kaya’t patuloy ang makabuluhang paglilingkod nito sa sambayanang Pilipino. (BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch