No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Fire Square Roadshow, isinagawa ng BFP sa Batangas

SANTO TOMAS CITY, Batangas (PIA) — Isang fire square roadshow ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Calabarzon sa SM City Sto. Tomas, Batangas nitong ika-14 ng Marso na layong mapalakas ang kaalaman ng publiko sa pag-iwas sa sunog.
 
Ang aktibidad ay nilahukan ng iba’t ibang city and municipal fire stations at mga paaralan sa Lungsod ng Sto. Tomas at isa lamang sa mga aktibidad ng ahensya bilang bahagi ng Fire Prevention Month celebration sa buwan ng Marso na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” .
 
Tampok dito ang iba’t ibang mga uniporme at kasuotan ng mga bumbero, mga kagamitan na ginagamit sa pag-iimbestiga ng sunog, tamang paggamit ng fire estinguisher, rescue equipment, medical first responders at pagbibigay ng electrical safety tips.
 
Sa mensahe ni Col. Rex Arvin Apalla, BFP Assistant Regional Director, sinabi nito namas pinaigting ng BFP ang kampanya at impormasyon laban sa sunog.
 
“Isa sa maituturing na pinakamalaking aktibidad ng aming ahensya ang Fire Square Roadshow upang maibahagi at maipaalam sa publiko ang ginagawa ng mga bumbero.Madalas nating madinig, ang bumbero ay naghihintay lamang ng sunog kaya’t nais nating baguhin ang kaisipang ito na ang bumbero ay isa sa nagsusulong ng Oplan Ligtas Pamayanan," ani Appala.
 
"Ang bawat isa ay may responsibilidad sa komunidad, alamin natin ang numero ng mga tanggapan ng bumbero sa ating lugar upangf mas mapaigting natin ang pakikiisa laban sa sunog. Gamitin ng tama ang teknolohiya, unahin ang pagtawag sa bumbero bago ang pagkuha ng video o litrato at pagpost sa social media,” dagdag nito.
 
Nagsilbi namang panauhing pandangal si Mayor Atty. Arth Jhun Marasigan na kinatawan ni Dra. Amielyn Marasigan-Aguirre kung saan sinabi nito na napakahalaga na bigyang pansin ang ganitong aktibidad dahil ang kadugtong nito ay ang ating kaligtasan.
 
Isa aniya sa 12-point agenda ng administrasyon ang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng Tomasino ngunit bago ang pagsuong sa anumang peligro na dala ng kalamidad ay ang tamang kaalaman upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at kabuhayan.
 
“Mahalaga ang simpleng kaalaman ukol sa emergency exit, ang regular na pagsasanay sa mga paaralan at opisina ukol sa fire drill ay importante din ngunit higit sa lahat ang kooperasyon ng lahat ay dapat bigyang-diin upang ang makaiwas sa sunog”, ani Marasigan.
 
May anim na paaralan ang nakibahagi sa naturang aktibidad kung saan naranasan ng mga mag-aaral dito ang pag-aaral ukol sa iba’t ibang uniporme at kausotang ginagamit ng mga bumbero.
 
Ipinakita din sa mga ito ang gamit at kahalagahan ng fire extinguisher, mga kagamitang ginagamit sap ag-iimbestiga sa naging sanhi ng sunog, mga hakbang na ginagawa kapag may rescue o respond operations; pagsasagawa ng first aid o medical response sa panahon ng sunog at mga dapat tandaan ukol sa electrical safety. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)
 

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch