No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga kabataan nagsanay sa pagresponde sa sunog sa roadshow ng BFP sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte (PIA) -- Nagsanay sa pagresponde sa sunog ang mga kabataang mag-aaral mula sa ibat-ibang bayan sa Camarines Norte upang masigurong handa sila sa  anumang emerhensiya. Layunin din ng aktibidad na maturuan ang mga estudyante na madaliang makatugon sa ano mang uri ng sakuna upang matulungan ang kanilang kapwa lalo na ang kanilang pamilya.

Unang nagsanay nitong Martes, Marso 12 ang 125 mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan ng bayan ng Vinzons, Capalonga at Basud.

Ang pagtuturo at pagsasanay na may titulong BIDA sa Fire Square Roadshow ay ginanap sa  SM City Daet. Ito ay natapos nitong Biyernes, Marso 15 kung saan ibat-ibang mag-aaral mula sa mga bayan ang kalahok sa bawat araw. Naging bukas din  sa publiko ang roadshow  sa mga nagnais sumali.

Ayon sa mag-aaral na si John Dave A. Mago, grade-11 ng Capalonga Institute Inc., malaking tulong ang kanyang natutunan kung ano ang kahalagahan ng mga kaalaman na magagamit lalo na sa mga nangangailangan kapag may trahedya ng sunog o insidente sa kanilang lugar. (PIA5/ Camarines Norte)

Naging bahagi din ng pagtuturo ang pagbibigay ng  kaalaman sa pagsasalba sa mga pasyenteng nalunod, nakuryente at naka ranas ng cardiac arrest sa pamamagitan ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) gamit ang compression. Wala itong  mouth to mouth resuscitation.

Binigyang kaalaman din ang mga estudyante o "familiarization" sa mga linya ng kuryente na maaring maging sanhi ng sunog, Nagkaroon dn ng ehersisyo sa pag rescue sa mga matataas na lugar o gusali gamit ang lubid, tamang paggamit ng fire extinguisher, bucket relay at pagbebenda sa mga pasyenteng napinsala ang bahagi ng katawan.

Ipinaalala rin ng BFP ang mga safety signages o mga tanda ng panganib sa mga tahanan, pagbibigay ng pangunang lunas, kamalayan sa mga paalala na nasa paligid tulad ng fire exit, fire hydrants, no parking signs at mga flammable liquids o madaling pagmulan ng sunog.

Ang isinasagawang Fire Square Roadshow ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay bilang bahagi ng Community Relations Week at pag-obserba sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso na may temang “Bumbero sa pamayanan: Kasangga, Kaibigan”. (PIA5/ Camarines Norte)

Target ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Camarines Norte na magsanay ng nasa 90 hangang 150 mag-aaral bawat araw mula sa ibat-ibang bayan. Ito ay naglalayon din na makatugon ang mga mag-aaral sa pagresponde sa kanilang mga paaralan.

Ayon kay Acting Provincial Fire Marshal CInsp. Adonis D. Osea, ang roadshow ay bahagi ng Community Relations Week at pag-obserba sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso na may temang “Bumbero sa pamayanan: Kasangga, Kaibigan”.

Sa roadshow, itinuro ang disaster preparedness bilang paghahanda sakaling may parating na bagyo, lindol at tsunami.

Sinabi ng estudyanteng si Sam Melvin Evia, grade-10 ng Sarah Jane Ferrer High School na natutunan niya kung paano ang pagresponde at pag-iwas sa mga karahasan ganundin ang pagbibigay ng pangunang lunas sa mga pasyenteng napinsala ang katawan. (PIA5/ Camarines Norte)

Ipinakita naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng LGU Daet ang kanilang mga kagamitan sa pagresponde sa aksidente sa sasakyan at pagset-up ng radio communications.

Ibinida rin ng BFP ang mga fire fighting equipment sa kanilang static display kung paano gamitin ang mga ito, ibat-ibang uniporme ng mga tauhan ng pamatay sunog, mga ginagamit sa fire fighting at water rescue ganundin ang emergency medical responder.

Ang naturang gawain ay naghihiyat ng pang-edukasyon at aktibidad sa mga mag-aaral upang isulong ang kamalayan sa kaligtasan at seguridad sa sunog sa pamamagitan ng road show.

Nakiisa rin ang ang mga kapulisan ng Philippine National Police (PNP) na nagpaalala sa mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas sa droga at mga pangunahing impormasyon upang maiwasan ang krimen sa mga kabataan na maaaring mangyari sa kanila. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch