No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Access Road sa limang barangays sa Aborlan, Palawan tapos na

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Palawan 3rd District Engineering Office and access road na magkokonekta sa limang barangay sa bayan ng Aborlan.

Ang mga barangay na makikinabang sa nasabing access road ay ang mga barangay ng Aporawan, Barake, Magbabadil, Mabini patungong Poblacion.

Ayon sa DPWH-Palawan 3rd DEO, ang nasabing proyekto ay bilang pagsuporta na rin sa mga magsasaka ng niyog, magsasaka ng cacao gayundin sa Oil Palm Industry sa nasabing bayan.

Ang access road sa Aborlan, Palawan na nakompleto nang gawin ng DPWH-3rd DEO. (Larawan mula sa DPWH-MIMAROPA)

Ang 1.12 km/2.24 km. lane access road ay pinondohan ng DPWH ng halagang P48,999,949.81 mula sa 2023 General Appropriation Act.

Ayon sa DPWH, ang paggawa ng access road ay nagsisiguro upang mapadali ang paghahatid ng mga produkto na binili nang direkta mula sa mga magsasaka, nagpapanatili ng kanilang kalidad at pagiging sariwa hanggang sa makarating sa mga pamilihan.

Magbibigay din ito sa mga lokal na residente ng ligtas at maaasahang daanan at mag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng nasabing lugar. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch