No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga PWD, binigyan ng libreng bakuna kontra pneumonia

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) - Kasabay ng regular na buwanang pagpupulong kamakailan ng Samahan ng mga may Kapansanan ng Barangay Bayanan 2, binigyan ng anti-pneumonia vaccine ang nasa 22 kasapi at opisyales ng samahan, na isinagawa sa Barangay Hall.

Dumalo sa nasabing pagpupulong si Charissa Flores-Sy at City Nurse Christian Alferez para magbigay ng libreng bakuna bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng pamahalaang lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng Person with Disability Affairs Office (PDAO).

Ayon kay Sy, malaking tulong sa katawan ang bakuna kontra pneumonia lalo na ito’y may bisa ng limang taon upang hindi agad dapuan ng nakababahalang sakit kung kaya sila ay nag-iikot upang maturukan ang mga nagnanais na magkaroon ng proteksiyon sa kalusugan.

Hindi lamang libreng bakuna laban sa pneumonia ang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod kung hindi pati na rin gamot na pang maintenance at bitamina sa dugo para masiguro na ligtas sa anumang sakit ang mga kasapi ng may kapansanan ng Barangay Bayanan 2 sa lungsod ng Calapan. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

Lubos ang pasasalamat ng ikalawang pangulo ng samahan na si Mario Malaluan, Jr. kay Mayor Marilou Morillo sa pamamagitan ng PDAO na pinamamahalaan ni Benjamin Agua, Jr., gayundin kay Barangay Affairs and Sectoral Concerns Head, Jaypee Vega sa malaking suporta sa sektor ng may kapansanan upang mas lalo pang mapabuti ang kalusugan ng mga kasapi.

Bukod sa bakuna ay binigyan din ng libreng gamot pang maintenance ang mga kasapi para sa mga may hypertension at diabetes. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch