No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 2K na traffic, emergency personnel ipapakalat ng MMDA ngayong Semana Santa

Pinangunahan nina Transportation Sec. Jaime Bautista, Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, MMDA Chair Atty. Don Artes, at iba pang mga opisyales ng pamahalaan ang pag-inspeksyon sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Maayos Semana Santa 2024. (Mga kuha mula sa MMDA)

-LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at publiko ngayong Semana Santa, aabot sa 2,274 traffic at emergency personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan at mga convergence points gaya ng mga paliparan, terminal, at pantalan.

Noong Lunes Santo, nag-inspeksyon sina MMDA Chairperson Atty. Don Artes, kasama ang mga opisyal ng iba pang ahensiya ng pamahalaan, sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Maayos Semana Santa 2024.  

Kasama ni MMDA Chair Atty. Artes si NCRPO chief PMGen Jose Nartatez sa pag-inspeksyon sa PITX.

Samantala, simula noong Lunes hanggang Miyerkules, Marso 27 at Abril 2,  papayagan na ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA mula 10:00 pm hanggang 5:00 am habang 24 oras naman papayagang dumaan ang mga provincial bus simula Marso 27 hanggang Abril 1, 2024.

Ayon kay Atty. Artes, pagpayagang dumaan sa EDSA ang mga ito para sa mas mabilis na turnaround time at para mas maraming maserbisyuhang pasahero.

Buong araw o bente kwatro oras namang papayagan ang lahat ng road repairs saro Manila simula 11:00 pm ng Miyerkules, Marso 27 hanggang 5:00 am ng Lunes, Abril 1, 2024. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch