No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kidney dialysis center sa Puerto Galera, bubuksan na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nakatakda nang buksan ang bagong kidney dialysis center sa bayan ng Puerto Galera matapos ang isinagawang pagpapasinaya noong Abril 1.

Dahil ito sa adhikain ng lokal na pamahalaan na mailapit sa mamamayan ang serbisyong medikal upang maging maalwan ang pagpapa dialysis at hindi na kailangan pang bumyahe ng halos 50 kilometro patungo sa lungsod ng Calapan para lamang makakuha ng nasabing serbisyo.

Ayon kay Mayor Rocky Ilagan, hangad ng dialysis center na ito na magbigay ng serbisyo sa mga mahihirap na Mindoreno.

“Nagsimula sa isang pangarap, pinagsumikapan at pinagtulungan natin abutin ang mga ito. Ngayon ay ating nang bubuksan ang bagong kidney dialysis center sa ating bayan upang magbigay ng libreng serbisyo sa mga kapus-palad nating mga kababayan. Sa datos ng ating bayan, 16 ang kasalukuyang dumaraan sa dialysis, dalawa o tatlong beses kada linggo at karamihan ay sa syudad pa ng ating probinsya [Calapan City] nagtutungo upang maisagawa ito,” saad ni Ilagan.

Samantala, sa datos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), isang Pilipino ang nagkakaroon ng chronic renal failure kada isang oras o 120 katao sa bawat isang milyong populasyon ng Pilipinas.

Kaisa ni Ilagan sa pagpapasinaya ang ilan sa pamilya ng mga pasyenteng dumadaan sa dialysis, gayundin ang direktor ng Puerto Galera Dialysis Center na si Dr. Maria Estrella Goco-Marasigan, mga Sangguniang Bayan Councilors, Sangguniang Kabataan President, 13 barangay captains, at marami pang iba. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)

LARAWAN SA ITAAS MULA SA PUERTO GALERA LGU

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch