No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga produkto ng piitan, ibinida sa Trade Fair ng BJMP sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte (PIA) -- Ibinida ang mga produktong pangkabuhayan mula sa mga piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Camarines Norte sa isinagawang tatlong araw na Trade Fair sa SM City Daet mula Marso 19 hanggang 21.

Kabilang sa mga gawang produkto ay mga handicrafts, dishwashing liquid, alkansiya, bedside lamp, paso, pastillas, pot holder at marami pang iba.

Ito ay sariling gawa ng mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa Daet District Jail, Daet District Jail Annex at Labo District Jail ng BJMP.

Ang kita o benta mula sa nabiling  mga produkto, ay mapupunta sa mga pangangailangan ng mga PDL. Ang sobrang kikitain nila ay maaaring makatulong sa kanilang mga pamilya.  

Hinikayat ni Luz Responde Payla ng Barangay Camambugan, Daet ang mga mamimili na tangkilikin at suportahan ang mga produkto ng PDL dahil ito ay malaking tulong sa pangangailangan nila lalo na at ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan. (PIA5/ Camarines Norte)

Ang BJMP Trade Fair 2024 ay nagsisilbing plataporma para sa marketing at promotion ng iba't ibang produktong pangkabuhayang gawa ng mga PDL na may mga kasanayan at dedikasyon sa loob ng pasilidad ng kulungan.

Sa kasalukuyan, mayroong 53 mga kababaihang PDL sa mga piitan ng BJMP sa Camarines Norte.

Ito ay bahagi sa Women’s Month Celebration na ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso kung saan kinikilala ng BJMP ang papel ng kababaihan sa pagbuo ng kapayapaan. (PIA5/ Camarines Norte)

Ayon kay Renren D. Elnar, grade 12 ng Vinzons Pilot High School, nakabili ng wallet at keychain na gawa sa beads na magaganda ang mga gawang produkto ng mga PDL, pulido ang pagkakabuo at magagamit niya na lagayan ng mga barya. (PIA5/ Camarines Norte)

Binigyang-diin ni Jail Inspector Agnes B. Francisco bilang Provincial GAD at focal person ng BJMP na ang mga kababaihan ay maaaring lumikha, mamuno at magbago ng buhay.

Hinikayat nito ang mga mamamayan na maging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito, tulungan ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa kanilang pagsisikap na magbago at suportahan ang trade fair.

Nanawagan naman si Francisco na tangkilikin ang mga gawa ng mga PDL sa pamamagitan ng pagbili ng ibat-ibang produkto na magbibigay ng malaking tulong sa mga kababaihan.

Naging daan din ang trade fair para sa mga Community Relations Officers para magsagawa ng information drive hinggil sa penology profession at mga programa at aktibidad ng BJMP, localization ng Executive Order No. 70, at suporta sa Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) Program.

Ang mga produktong gawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) partikular na ng mga kababaihan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Camarines Norte sa tatlong araw na Trade Fair sa SM City Daet simula Marso 19-21. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch