No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasay LGU sa publiko, mag-ingat sa scammer

LUNGSOD PASAY, (PIA) -- Nagbigay babala ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa mga residente at publiko na mag-ingat sa mga taong manloloko na nag-aalok ng hindi lehitimong kontrata, negosyo o trabaho at nakikipag transaksyon gamit ang pangalan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano o sa anumang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay.

Sa isang abiso, paalala ng pamahalaang lungsod na ang lahat ng transaksyong otorisado ng Pamahalaan Lungsod ng Pasay at ni Mayor Emi ay dumaraan sa tamang proseso na sumusunod sa batas at nagaganap sa loob ng City Hall at tanggapan ng pamahalaan.

Paalala ng pamahalaang lungsod na sakaling makaranas nito o mayroong impormasyon ukol sa scamming, maaaring i-report ito sa pamamagitan ng pagtawag sa numero bilang 8833-3734/ 8833-3738/ 8833-2161 o 8831-3744.

Maaari ring mag-email sa: mayor_emi@ pasay.gov.ph/ caoffice@gmail.com/ pio@pasay.gov.ph. (Pasay City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch