No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dupax del Norte LGU, nagbigay muli ng ayuda sa mga senior citizens

Tumanggap muli ng Local Universal Social Pension ang 935 na senior citizens ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya . Hango ito sa LUSP ordinance ng bayan. Photo Courtesy of LGU Dupax Del Norte

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya (PIA) — Tumanggap muli ng Local Universal Social Pension ang 935 na Senior Citizens ng bayan ng Dupax del Norte.

Ang LUSP ay ibinigay ng Local Government Unit base sa inaprubahang ordinansa para sa pagbibigay ng ayuda sa mga senior citizens ng bayan.

Ayon kay Dupax del Norte Mayor Timothy Cayton, ang LUSP ay para sa lahat ng senior citizens ng bayan kahit ano pa man ang estado nila sa komunidad.

Ayon pa sa kanya, sakop ng LUSP ang mga senior citizens na disqualified sa social pension ng Department of Social Welfare and Development, mga pensioners ng Social Security System, Philippine Veterans Administration Office, Government Service Insurance System at mga barangay officials.

Tumanggap ng P3,000.00 ang bawat isang senior citizen para sa unang semester ng taong kasalukuyan kung saan P500.00 ang inilaang pondo ng LGU para sa kanilang buwanang financial assistance.

Dagdag pa ni Cayton na itataas nila ang LUSP mula P500.00 hanggang P1,000.00 kada buwan at ito ay ipapatupad sa susunod na taon.

Hinimok din ni Mayor Cayton ang mga iba pang senior citizens ng bayan na magpalista sa kanilang LGU at ibigay ang mga kinakailangang dokumento upang mapasama sa listahan ng mga LUSP beneficiaries ng LGU. (BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch