No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Hog raisers sa Nueva Vizcaya, tumanggap ng tulong mula PLGU

Iniabot ni Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito ang P2 million bilang tulong ng PLGU para sa mga hog raisers na apektado ng Arican Swine Fever sa lalawigan. (Photo Courtesy of NV PLGU)

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) — Tumanggap ng P2 million na tulong ang mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever sa lalawigan mula sa Provincial Local Government Unit.

Ang tulong ay iniabot mismo ni Governor Jose Gambito kay Marlo Agbanlog, pangulo ng Hog Producers Association sa lalawigan.

Ayon kay Governor Gambito, ang nasabing tulong pondo ay mula sa Quick Response Fund ng Provincial Disaster Risk Reduction Management  Office na naglalayong mai-angat sa pagkalugmok ang mga hog raisers dahil sa epekto ng ASF.

Dagdag ni Governor Gambito na patuloy ang tulong na ibinibigay ng PLGU sa mga magbababoy na  apektado ng ASF  sa Nueva Vizcaya upang magpatuloy ang kanilang negosyo at pamumuhay.

Ayon naman kay Marlo Agbanlog na pangulo ng Hog Raisers Association, ang tulong ng PLGU ay malaking bagay para sa kanilang mga miyembro.

Nagpasalamat din ito sa PLGU dahil sa patuloy na tulong at ayuda nito sa mga hog raisers sa lalawigan na patuloy na sinasalanta ng ASF. (BME/PIA NVizcaya)


About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch