No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Industriya ng asin sa Palawan, pinalalakas

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang industriya ng asin sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong puhunan sa mga People’s Organization (PO) sa bayan ng Dumaran na gumagawa ng asin.

Noong Abril 3, 2024, apat na POs sa bayan ng Dumaran ang natulungan na kinabibilangan ng Mainlanders Dumaran Salt Makers Association mula sa Brgy. Catep, STER-CAP Salt Making Association ng Brgy. Sta. Teresita at Capayas, CUMA Association ng Brgy. Culasian at Magsaysay, at Danleg Salt Making Association ng Brgy. Danleg.

Ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng tulong puhunan sa mga mag-aasin sa bayan ng Dumaran noong Abril 3, 2024. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

Umabot naman sa 74 na indibiduwal ang miyembro ng apat ng POs sa bayan ng Dumaran na nabigyan ng tulong pinansiyal kung saan ang bawat grupong benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P30,000 na magiging puhunan sa kanilang negosyong pag-aasin.

Ang tulong puhunan ay sa ilalim ng Community-Based Gender and Development (CBGAD) Livelihood Enhancement Program ng pamahalaang panlalawigan.

Layunin ng programa na mapaunlad ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa pagnenegosyo, madagdagan ang kanilang kita at mapalago ang perang ipinahiram bilang puhunan dahil ang halagang ito ay kailangan din nilang maibalik sa pamahalaang panlalawigan sa loob ng tatlong taon batay sa kontrata na kanilang nilagdaan. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch