No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palawan State U, nagpapatupad ng Hybrid Classes dahil sa init ng panahon

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Simula noong Abril 3 ay ipinatutupad na ng Palawan State University (PSU) ang University-wide Hybrid Classes bilang tugon sa nararanasang matingding init ng panahon.

Tinitiyak ng mga chairperson ng bawat departamento at college secretaries ng PSU na lahat ng online classes ay dapat ma-monitor, gayundin ang presensiya ng mga guro sa online classes.

Ayon pamunuan ng PSU, magtatagal ang hybrid classes hanggang sa Abril 30, 2024 at maaari pa itong palawigin ng Pangulo ng unibersidad kung kinakailangan.

Samantala, dahil sa nararanasang mainit na panahon, naglabas ng kautusan ang PSU sa lahat PSU Campuses nito na pansamantala munang sinususpende ang pagsusuot ng uniporme ng mga empleyado bagkus sila ay inaatasan na magsuot lamang ng angkop na damit na naaayon sa CSC Memorandum No. 19, S. 2000 sa pagpasok sa paaralan.

Maging ang mga estudyante ng unibersidad ay pinapayuhan na magsuot na lamang ng mga komportableng damit na naaayon sa dress code kapag pumasok sa klase kung kinakailangan.  

Ang kautusang ng unibersidad ay epektibo simula noong Abril 1 at magtatagal hanggang Abril 30, 2024.

Ang dalawang kautusan ay nakapaloob sa Memorandum Circular (MC) Nos. 1216 para sa pagsususpende ng pagsusuot ng uniporme at MC 1252 naman para sa pagpapatupad ng hybrid classes na may petsang Abril 1 at 2, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa Heat Index Update ng Puerto Princesa City Health Office, nakapagtala ang Lungsod ng heat index na 45°C noong Marso 28 at Marso 30 samantalang hindi naman bumababa sa 40°C ngayong Abril kung saan ito ay nasa danger level pa. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)


Larawan sa itaas ay mula sa Palawan State University Facebook Page


About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch