No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

18 motorcycle patrol, ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa pulisya

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Upang mas lalo pang mapaigting ang kampanya ng kapulisan kontra kriminalidad, buong suporta si Gov. Humerlito "Bonz" A. Dolor sa hanay ng pulisya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng 18 bagong motorsiklo na magagamit sa pagpapatrol na may kaakibat na kagamitan na pang-komunikasyon na itatalaga sa mga bayan ng lalawigan.

Sinabi ng Dolor sa kanyang mensahe, “Gawin ang Oriental Mindoro na isang lalawigang maisisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, kung saan ligtas silang makakapamuhay, magtrabaho, maglakbay at magnegosyo.”

Kaugnay ito sa direksiyon ng Philippine National Police (PNP) Patrol Plan 2023 na siyang sinuportahan ni Dolor na kung saan ipinahayag ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Deputy Regional Director for Administration Martin E. Defensor Jr., na taos pusong pasasalamat sa pagpapadama ng malasakit sa kanilang hanay at sa suportang ipinagkakaloob sa kanila ng gobernador.

Maliban sa mga motorsiklo, nagkaloob din ang gobernador ng P650,000 para sa intelligence training at operasyon ng mga kapulisan ng PRO habang nasa P520,000 naman ang ipinagkaloob sa PPO para naman sa pagpapatapos ng proyektong covered court at sa mga isinasagawang operasyon sa lalawigan.

Kasabay din nito ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Child Development Center para sa mga anak ng pulis at mga bata sa Barangay Cacawan na malapit sa Oriental Mindoro Provincial Police Office. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

LARAWAN SA ITAAS MULA SA ORIENTAL MINDORO PIO

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch