No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

"Pasyar Kita!" Palawan Philippine Experience, inilunsad ng DOT

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang paglulunsad ng ‘Pasyar Kita! Palawan Philippine Experience nito lamang Abril 12, 2024.

Isinagawa ang paglulunsad nito sa Tabon Cave Complex sa bayan ng Quezon kung saan tampok dito ang mayamang kultura ng mga munisipyo sa Southern Palawan na kinabibilangan ng mga munisipyo ng Aborlan, Narra, Quezon Rizal, Bataraza, Sofronio Espanola at Balabac.

Ayon kay Frasco, ang Philippine Experience Program ay isang heritage, culture and arts caravan kung saan ay dinadala ito sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas at sa bahagi ng rehiyon ng Mimaropa.

Ang mga delegates ng Pasyar Kita! Palawan Philippine Experience. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

“We have invited members of various embassies including their ambassadors, pati na rin po ‘yong ating mga national tourism organizations, travel agents, at iba pa, kasi nais po natin na ‘yong entire universe of tourism dito sa Pilipinas ay in full support of the aspiration of our local destinations to be developed, to be promoted and to be highlighted,” paliwanag ni Frasco.

“Hindi lamang ang mga magagandang tanawin at masasarap na pagkain, mainit na pagtanggap ng mga filipino sa mga bisita kundi nais din nating makilala sa buong mundo kung gaano kaganda ang kultura ng Pilipinas,” dagdag ni Frasco.

Sinabi din nito na ang Pilipinas ay malaki ang potensiyal na maging susunod na "Asia’s tourism powerhouse".

Isa aniya sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin at pagbutihin pa ang kabuuan ng Philippine Tourism Experience kung kaya’t patuloy ang ugnayan ng DOT sa Department of Public Works and Highways at Department of Transportation para sa mga proyektong maaaring maisakatuparan sa mga tourist destinations tulad ng tourism roads, mga tulay at iba pa.

Sa pamamagitan din aniya nito ay masisiguro ang livelihood and employment na nabibigay ng turismo at mapapalawak pa ang mga tourism destinations. “Yung puno’t dulo po nito ay mabigyan po natin ng trabaho at livelihood ang ating mga kababayang Pilipino kasi sa turismo may asenso, sa turismo may trabaho at pag yung priority po ng ating mga local chief executives ay turismo, makikita talaga natin na yung ekonomiya ay lalago talaga, made-develop talaga ang turismo kung ‘yon ang priority ng local chief executives,” pahayag pa ni Frasco. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

BANNER PHOTO COURTESY OF GERALDFORD TICKE

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch