No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Supplemental immunization kontra polio, nagsimula na sa Pasig

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagsimula na ang malawakang bakunahn sa Lungsod Pasig para sa supplementation immunization laban sa polio at iba pang vaccine preventable diseases sa ilalim ng programang "Pasig Bakuna, Bata ang Bida!"

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad na 6 weeks-23 months old para sa routine at catch-up doses ng lahat ng bakuna at 24-59 months old para naman sa supplemental dose o dagdag bakuna upang masiguro na makukuha nila ang sapat na proteksyon na kanilang kailangan para makaiwas sa vaccine-preventable diseases.

Ang supplemental immunization ay magtatagal hanggang May 15, 2024.

Para sa updates, bisitahin ang Facebook page ng Pasig City Health Promotion https://www.facebook.com/pasig.healthpromotion o ng Pasig City Public Information Office https://www.facebook.com/PasigPIO. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch