No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE, nagsagawa ng oryentasyon ng TUPAD sa walong bayan sa Oriental Mindoro

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Dumalo ang nasa 1,870 indibidwal na naapektuhan sanhi ng El Niño sa lalawigan mula sa mga bayan ng Pinamalayan, Mansalay, Gloria, Bansud, Socorro, Pola, Naujan at Roxas sa isinagawang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Abril 3-10.

Tinalakay ng mga TUPAD coordinators ang dapat gawin ng mga benepisyaryo tulad ng pagsasaayos ng mga pampublikong gamit, paglilinis ng mga kalsada at kanal, at paghihiwalay ng mga basura. Gayundin ang pagtatanim ng mga puno upang mabawasan ang panganib at pinsala dulot ng tagtuyot.

Bawat benepisyaryo ay tatanggap ng sahod na P3,950 para sa 10 araw na gawain na sa kabuuang halaga ay P7,386,500 na may kasamang isang taon na accident insurance mula sa GSIS. Bukod dito ay makakatanggap din sila ng mga kagamitang pantrabaho tulad ng damit, sumbrero, guwantes at face mask.

Lubos ang pasasalamat ng mga Public Employment Service Office (PESO) managers ng bawat bayan na nabanggit gayundin sa kagawaran sa walang patid na suporta sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng programang TUPAD. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

LARAWAN SA ITAAS MULA SA DOLE ORIENTAL MINDORO

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch