No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng sakay sa LRT2, MRT3 para sa mga solo parents

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parent's Day ngayong Sabado, Abril 20, magbibigay ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng LRTA, ang libreng sakay sa LRT-2 ay para makapagbigay ng inspirasyon sa mga solo parent na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.  

Gayundin, nagpaabot ng paghanga at pagpapahalaga ang pamunuan ng MRT-3.

"Saludo po ang MRT-3 sa lahat ng solo parents na ubos-lakas na nagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga anak. Hangad po namin na sa aming libreng sakay ay mapasaya namin sila sa kanilang espesyal na araw,” saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Ang libreng sakay ay sa mga sumusunod na oras:

  • 7:00 AM hanggang 9:00 AM
  • 5:00 PM hanggang 7:00 PM

Ipakita lamang ang inyong Solo Parent's Identification Card o Solo Parent Certificate of Eligibility para i-avail ang libreng sakay. (DOTr/LRTA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch