No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kalinga sa Maynila gaganapin sa Abril 24

Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan kasama ang mga benepisyaryo ng Kalinga sa Maynila caravan. (File photos courtesy of Manila PIO)

LUNGSOD MAYNILA, (PIA) -- Magandang balita! Narito na ang pagbabalik ng mas pinalakas at mas pinalawak na Kalinga sa Maynila sa distrito ng Sampaloc!

Sa darating na Miyerkules, April 24, 8:00 ng umaga, magbabalik muli ang pagbaba ng mga serbisyo ng pamahalaan patungo sa komunidad.

Magkakaroon ng medical consultation, pamamahagi ng basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, at tricycle/parking registration.

Gayundin, magkakaroon ng PWD/solo parent/senior citizen ID issuance, clearing/flushing operations, water/electricity/building permit inquiries, notary services, police clearance, job vacancies, at iba pa. 

Ang Kalinga sa Maynila ay gaganapin sa P. Guevarra Street corner Tecson Street, Sta. Cruz, Manila kasama ang mga Barangay 481, 482, 483, 484, 485, 486, 487, 488, 491, at 492, simula 8:00 ng umaga.

Ang Kalinga sa Maynila ay naglalayong dalhin ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga grassroots na komunidad upang ang mga residente ay hindi na kailangang pumunta sa city hall at makatipid sa oras at pera sa transportasyon. (Manila/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch