No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sen. Marcos at DSWD, namahagi ng educational assistance sa mga estudyante ng MinSU

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Nakiisa si Senador Imee Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng educational assistance sa mga estudyante ng Mindoro State University (MinSU) na isinagawa sa Activity Center sa Calapan City Campus noong Abril 21.

Sa harap ng 1,000 mag-aaral ng nasabing paaralan, sinabi ng senadora na katuwang niya ang DSWD sa pamimigay ng P5M financial assistance na kung saan tatanggap ang bawat isa ng P5,000 bilang bahagi ng programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

“Humahanga ako sa mga Mindoreño na sa kabila ng mga dumaang sakuna at kalamidad sa inyong probinsiya ay nananatili pa rin kayong nakatayo at masaya. Kaya naman, buo pa rin ang suporta ng pamahalaan na tumulong sa inyong mga mag-aaral na makapagbigay ng kahit kaunting ayuda para maipagpatuloy ang inyong pag-aaral at matupad ang inyong pangarap sa buhay,” mensahe ni Marcos.

Matapos mamahagi ng tulong pinansiyal sa mga estudyante ng Mindoro State University sa lungsod ng Calapan, agad nagpaunlak si Sen. Imee Marcos (gitna) sa mga mamamahayag ng lalawigan para sa isang press conference kasama si Gob. Humerlito Dolor (kaliwa) at MinSU OIC-University President, Dr. Christian Anthony C. Agutaya. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

Matapos ang aktibidad ay nagpaunlak ang senadora sa isang press conference at pagkatapos ay agad na tumulak ang kanyang grupo patungo sa Sentrong Pangkabataan sa Barangay Sta. Isabel sa lungsod na ito upang maghatid sa 90 kabataan na benepisyaryo ng libreng basketball clinic kasama si Gob. Humerlito ‘Bonz’ Dolor. (DPCN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch